Jimmy Butler, binuhat ang Sixers para itabla ang serye kontra Raptors.


Kung ang Game 1 ng Eastern Conference semifinals ay nagpakita ng buong lakas ni Kawhi Leonard, ang matchup nitong Martes laban sa Sixers ay nagsilbing malaking kumpirmasyon. Ang dating Finals MVP ay pumutok muli para sa 35 points at seven rebounds, na kumana ng 13-of-24 mula sa field. Gayunpaman, hindi niya naipanalo ang Toronto sa Game 2 habang ang Philadelphia naman ay naitabla ang serye at naitabla ang laro at may isa na ring panalo sa final score na 94-89 sa Scotiabank Arena. Ang supporting cast ng Raptors ang isa sa malaking dahilan ng pagkatalo.

Hindi naman nilamon ng apat na stars ng Sixers ang depensa ng Toronto sa Game 2. Si Marc Gasol nga ay nilimitahan si Joel Embiid sa 2-7 shooting at anim na turnovers. Tinapos ni Tobias Harris ang gabi na may siyam na puntos sa 11 na attempts. Ang 30 points ni Jimmy Butler ang nag-save sa Philly na muntik ng ma-comeback, na pumukol ng tres upang iangat ang Sixers sa 88-81 sa nalalabing 2:11 ng laro. Salungat sa magandang laro ni Butler, ang pag-lock ng tatlo sa apat na scorer ng Philly ay nagpapakita ng kalidad sa laro ng Raptors. Ang depensa ng Toronto sa Game 2 ay higit pa sa depensa na ginawa nila noong Game 1, lalo na kay Embiid. Ang kanilang effort ay sapat na para sa 2-0 series lead kung hindi lang dahil kay Butler.

Bukod kay Leonard, ang Raptors ay nakakuha lamang ng 29% mula sa field at 26% mula sa tres. Namintis ni Pascal Siakam ang lima sa pito niyang tres . Si Marc Gasol at Kyle Lowry ay gumawa ng 7-23 attempts. Ang bangko ng Toronto (na inaasahang advantage sa serye na ito) ay nagtala ng 5 points lamang, mas mababa pa sa normal na pinupuntos nila. Tinapos ni Fred Vanvleet ang gabi na may minus-18 sa loob ng 18 minuto. Si Serge Ibaka ay hindi rin naging productive at nagtala ng minus-12 sa buong game.

Hindi naman dapat sisihin ang supporting cast ng Raptors pagkatapos ng isang hindi magandang gabi, gayunpaman ang mga alalahanin tungkol sa kanilang mababang produksyon ay dapat bigyan ng pansin. Si Gasol ay mas mahalaga bilang isang defender kaysa sa anumang bagay sa puntong ito ng kanyang career. Kahit pawala na ang kanyang magandang footwork ay kaya niya pa rin sabayan ang isang Joel Embiid. Ang offensive output ni Lowry ay humina ngayong taon at dahil na rin sa kanyang lower usage at sa struggle niya sa labas.

Ang produksyon ni Siakam ay mahalaga para sa Raptors. Siya ay isang perpektong partner para kay Leonard, isang elite slasher, umuusbong na 3-point shooter at transition menace. Ang Siakam spin ay dapat patent sa puntong ito. Ngunit ang kanyang mga limitasyon ay nalantad noong Martes. Pumupukol siya ng isang tres bawat laro ngayong 2018-19, isang taon pagkatapos gumawa ng 0.4 kada laro sa 22% 3-point shooting noong nakaraang taon. Ang kanyang ebolusyon ay dapat magpatuloy sa mga susunod na taon, bagaman para sa playoff na ito, pipilitin parin siya na gumawa ng gumawa. Kailangan niyang pumukol ng higit pa sa isa, kakailanganin niyang gumawa ng isang pares ng tres bawat gabi upang panatilihing maluwag ang depensa ng kalaban. Gumawa siya ng 9-of-25 mula sa field nitong Martes at 2-of-7 mula sa tres.

Si Leonard ay maaaring maging best player sa Eastern Conference. Siya ay nakabalik na sa kanyang tunay na anyo, at marahil ang pinaka-kumpletong two-way player ng liga. Gayunpaman hindi niya kayang dalhin ang Toronto laban sa apat na star ng Philadelphia. Ang Raptors supporting cast ay kailangan para sa Finals run. Kailangan nilang tumulong laban sa Philadelphia.

Comments