Klay Thompson, Gusto Talagang Maglaro Para sa Game 3 ng NBA Finals


Hindi mahalaga kung gaano ang pagpilit ni Klay Thompson, hindi siya ang makakapagpasya kung makakapaglaro ba siya o hindi sa Game 3 ng NBA Finals.

Si Thompson ay nagtamo ng isang hamstring strain sa fourth quarter ng crucial victory noong Lunes  laban sa Toronto Raptors. Habang sinisikap na bigyang diin ang manipis na contact mula kay Kyle Lowry sa isang three-point attempt, ibinuka niya ang kanyang binti, at sa kanyang pagbaba ay medyo nasaktan siya dahil sa awkward na landing na naging dahilan ng seryosong injury sa tuhod ni Thompson. At minabuti niyang umupo muna sa bench nang maramdaman niya na medyo masakit ang kanyang binti matapos ang dawalang sumunod possession. Sa kabila ng pagkawala ni Thompson, tinalo pa rin ng Golden State ang Toronto sa final score na 109-104.

Questionable pa rin kung makakabalik ang five-time All-Star para sa Game 3 sa Huwebes. Kahit na ang resulta ng MRI ni Thompson ay walang stuctural damage, inamin niya noong Lunes na hindi pa rin siya makakapaglaro sa Game 3 maliban lang kung wala na siyang maramdamang sakit.

Noong kanyang pre-game media availability, sinabi ng Warriors coach na si Steve Kerr na sa kabila ng kagustuhan ni Thompson na maglaro, ang final decision ay nasa medical staff  ng team pa rin at hindi sa kanya.

"Nagpapakita siya ng kanyang matibay na kagustuhan," sabi ni Kerr kay Thompson, ayon kay Jeff Zillgitt ng USA TODAY. "Nais niyang maglaro kahit na anong mangyari ... Siya ay nagsusumikap na makapaglaro sa Game 3 ... Hindi namin papayagan na siya ang magpasya."


Si Thompson, na naging malaking dahilan sa tagumpay ng Golden State, ay nakikita ang kanyang value na tumataas pa lalo na nung na-injury si Kevin Durant. Hindi lamang siya ang isa sa dalawang aktibong manlalaro, kasama si Steph Curry, na may kakayahang gumawa ng malaking numero sa scoring sa harap ng magaling na depensa, ngunit isa rin siya sa mga pinakamagaling na defender ng Warriors sa Raptors superstar na si Kawhi Leonard.

Ang Game 3 ay mag-uumpisa mamaya sa Oracle Arena, 9:00 a.m. ng umaga sa Pilipinas.

Comments