Rumor: LeBron James, Posibleng Umalis ng Lakers Kung Sakaling Mag-fail Muli Sila sa Darating na Offseason


Ang Los Angeles Lakers ay inaasahan na magiging isa sa mga pangunahing koponan sa merkado ng free agency ngayong taon. Ang pressure na bumuo ng isang championship team sa paligid ni LeBron James ay napakataas, at inaasahan na kukuha ng kahit isang superstar na magbibigay ng tulong sa four-time MVP.

Sa nakalipas na ilang taon (maliban noong huling summer kung saan nakuha ng Lakers si James), ang Lakers ay  minalas sa free agency, dahil ang karamihan sa kanilang mga nangungunang mga target ay pinili manatili sa kanilang mga koponan o pumunta sa ibang koponan. Sinubukan din nilang mag-trade para sa isang superstar nang maraming beses, ngunit nabigo sila.

Ngunit tila hindi na ito isang opsyon sa panahong ito, ayon sa mga ulat, maaaring manganib na mawala si LeBron sa koponan kung muli silang hindi makakuha ng isang top-tier na talento sa darating  na summer.

Sinabi ni Bill Plaschke ng Los Angeles Times kamakailan sa The Sedano Show na maaaring hilingin ni LeBron na umalis na sa franchise kung walang makabuluhang improvement sa roster sa simula ng susunod na season (ayon sa CBS Sports):

"Naririnig ko na kung sila ay mabigo sa free agency, at kung sila ay mabigo sa trade, na hindi ko alam kung ganoon nga iyon, ngunit kung nangyari iyan, mayroon silang malaking problema kay LeBron. Ang ibig kong sabihin ang panahon ni LeBron ay maaaring tapos na bago pa ito magsimula dito."

"Narinig ko ito sa unang pagkakataon kahapon, isang tao na konektado at sinabi na 'Alam mo kung ano, kung sila ay nabigo, siguradong sasabihin ni LeBron ng aalis na ako dito o ialis niyo na ako dito, o ang Lakers na rin ang magtrade sa kanya mula. 'Kaya ito ay malaking risk."


Sa parehong palabas, shinare din ni Dave McMenamin ng ESPN kung ano ang kanyang mga naririnig mula sa kanyang mga sources, at ang kampo ni LeBron ay hindi makikipakasundo para sa mid-tier talent. Ito ay alinman sa isa sa mga nangungunang mga pangalan sa merkado o bust:

"Ang bawat taong nakikipag-usap sa akin na nauugnay kay LeBron, laha sila ay nag-aabang, at ang tanging magagawa lang nila ay maging positibo dahil ito ay magiging isang krusyal sa buong limang linggo. Ngunit sa kabilang panig banda, kung sa July 10 sa Los Angeles at ang nakuha lang nila ay si Nic Vucevic [na magsettle ang Lakers dito], o kung sinuman ay hindi nakatugon sa criterion ng pagsign ng isang star na maaaring gumawa ng mga ito upang maging chamionship conterder agad, maaari mong lamang isipin kung saan maaaring pumunta ang mga bagay."

Ang Lakers ay may sapat na cap space upang pag-sign ng isa pang max contract na manlalaro, at kailangan mong paniwalaan na hahabuli nila ang mga tulad ni Kevin Durant, Kyrie Irving, Kawhi Leonard, at Klay Thompson. Susubukan din nilang makakuha ng isang star sa pamamagitan ng trade, na posibleng target si Anthony Davis ng New Orleans Pelicans.

Kung mabigo ang Lakers na bumuo ng championship team sa susunod na season at mawalan sila ng LeBron, maaari itong maging dahilan ng pagbagsak ng franchise.

Comments