Toronto Raptors, wagi kontra sa Golden State Warriors sa Game 3 ng NBA Finals


Tinalo ng Toronto Raptors ang Golden State Warriors sa Oracle Arena sa final score na 123-109. Pinangunahan ni Kawhi Leonard ang Raps na nagtala ng 30 points, 7 rebounds, at 6 assists. Nagdagdag ang kanilang franchise point guard na si Kyle Lowry ng 23 points at 9 assists.

Lahat ng starters ng Toronto ay gumawa ng double-figures. Si Paskal Siakam na nagtala lamang ng 6 points noong game 2 ngunit nagtala naman ngayon ng 18 points kasama ang 9 rebounds at 6 assists. Si Danny Green ay gumawa rin ng 18 points sa 6-of-10 3-point shooting. At si Marc Gasol na gumawa ng 17 points at nagpakita ng kamangha-manghang passing skills para sa isang bigman,

Maganda rin ang ipinakita ng bench ng Raptors, lalo na si Fred Vanvleet at Serge Ibaka na nagpakita ng  mahusay na depensa. Si Ibaka ay nagtala lamang ng 6 points ngunit siya ay isang malaking harang sa Warriors na mayroong 6 blocks at 2 steals. Si FVV naman ay nagdagdag ng 11 points, 2 steals at ang kahanga-hangang depensa kay Steph Curry.

Ang Golden State Warriors ay pinangunahan ni Stephen Curry na gumawa ng career playoff-high 47 points, 8 rebounds, at 7 assists. Siya ay pumukol ng 14-of-31 sa field at 6-of-14 sa 3-point area. Tatlo lamang sa Warriors ang nakascore ng double-digits, kasama na diyan si Draymond Green na may 17 points at si Andre Iguodala na may 11 points.


Nagtake-advantage ang Raptors sa game na ito sa pagkawala ng All-star ng Warriors na si Kevin Durant na di pa rin nakakabalik mula noong Western Conference semis, at si Klay Thompson na na-injure ang kanyang hamstring noong Game 2 ng Finals. Nagpaulan ng tres ang Toronto na mayroong 16 sa 44.7 percent shooting.

Noong first half, halos kalahati ng puntos ay iniskor ni Curry na gumawa ng  25 points at tanging Warrior na may double-digit scoring noong halftime.

Medyo nailapit ng Warriors ang kalamangan ng Raps sa 6 points noong kalagitnaan ng third quarter ngunit pumutok si Danny Green nang siya ay pumukol ng sunod sunod na 3-pointers sa  pag-uumpisa ng fourth quarter at natambakan ang Warriors sa bandang gitna ng quarter rin na iyon.

Naibaba ng Warriors ang kalamangan sa pito matapos ang tatlong free throw ni Curry ngunit hindi pa rin ito sapat nang makagawa muli ng run ang Raptors. Pumukol ng isang rainbow 3-point shot si VanVleet at pinatahimik ang crowd na may isang minuto mahigit na lamang ang natitira at naging dagger para sa Warriors. At tinapos ang laro na lamang ang Toronto Raptors ng 14.

Ang Game 4 ay magaganap sa Martes, June 11, sa bahay muli ng Warriors, ang Oracle Arena.

Comments